
HALIKA NA MAYON VOLCANO! MAYON VOLCANO Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay , sa pulo ng Luzon sa Pilipinas . Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi , ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan . Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000. [1] Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava noong Hunyo 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang...